Some call it vandalism, well I call it art.
Okay. So pinapunta kami sa school nang 6am with matching panakot pa and stuff tapos pagdating dun pinapila kami sa labas nang katagal-tagal omegahd. We took the exam around 8am. Kewl. Ang astig po ng proctor namin, hindi strikta huehue ang bait bait. Filipino teacher siya sa BNHS-Main tapos sobrang familiar ng surname! Miss Loyola hoho.
Ang sarap sagutan nung English na test. Naconclude ko talaga na di ako magaling sa Math. Kahit basic lang huhu. Sa Science madali lang tapos ang na-thrill ako dun sa Visual something tsaka sa Non-Verbal chuchu. Ayun all in all ayos naman yung NCAE. Di ko naman kelangan manghinayang kasi di naman yun achievement test or anything pero kelangan ko rin yun kasi di ko pa alam kung anong kukuhanin kong course. Naastigan talaga ako sa OIISSS!! Kasi parang yun yung mas kelangan sa NCAE at hindi yung mga talagang sinagutan namin. Hahaha. Ang bilis namin natapos kaya pinaglaruan ko nalang yung test booklet, grabe kasi yung cover niya nakakahawa yung kulay kaya pinahid ko nang pinahid yung daliri ko sa cover hanggang sa magkulay pula na yung thumb ko hoho.
After ng test naglaro kami ng human bingo ng mga kaklase ko with elementary pupils ♡ Lagi namin tinatarget si Sebastian na grade 2 epal kasi hahah pero ang cute cute niya!! Yung ngipin niya parang minion ♡♡ After namin maglaro iniwan na ko ng mga kaklase ko naiwan ako kay Sebastian, nagkwentuhan tsaka nagkantahan kami ♡ Ang saya niya kausap tsaka bullyhin pero nung kinwento niya yung about sa family niya sobrang namoved ako. *will elaborate soon* Ang sarap kasama ng mga bata huhu.













